Nasabi ko na ba sa’yo na matatag ka? Nasabi ko na ba na matapang ka?
Biruin mo, makakaya mo pang harapin ang umaga at gabi nang walang kasiguraduhan?
Kasi minsan ka naring hindi naging sigurado kung sino ka? Minsan ka naring nagtanong kung ano nga bang gusto mo. Kasi natatakot kang malaman nila ang istorya mo.
Pero alam kong makakaya mo ‘to. Alam mo ba iyon? Alam mo bang kaya mo?
O, hindi mo pa kayang tanggapin na magaling ka?
Kasi natatakot kang sabihin ang istorya mo sa iba. Ang sarili mong libro na itinatago dahil takot kang mag-iba ang tingin nila sa’yo.
Mahalaga ang buhay mo, kung sino ka man o ano mang nagawa mo.
Minsan ka naring nalito, nawala, katulad ngayon. Naghahanap ka na naman ng kahulugan sa mga nangyayari. Maaring kang masaktan, magalit, o mawala pero babalik at babalik din sa kung sino kang talaga. Ang totoong tao pagkatapos ng pagkawala. Pagkawala na pagkalito at unti unting kakawala na paglipad.